PNP-CIDG, magsusumite ng karagdagang dokumento laban kay Peter Lim

by Radyo La Verdad | September 7, 2017 (Thursday) | 4866

Magsusumite ng karagdagang dokumento ang PNP-CIDG bilang sagot sa kontra-salaysay ng hinihinalang drug lord na si Peter Lim.

Inireklamo ng illegal drug trading ang negosyante dahil ito umano ang nagsusupply ng droga sa grupo ni Kerwin Espinosa. Depensa ni Lim, walang personal na kaalaman sa akusasyon ang testigo ng mga pulis na si Marcelo Adorco kaya’t di dapat tanggapin ang salaysay nito.

Sa pagdinig kahapon, hiniling ng CIDG na pasumpain sa panibagong salaysay si Adorco ngunit tinutulan ito ng abogado ni Peter Lim. Hindi ito pinayagan ng DOJ panel at pinababalik ang testigo sa susunod na pagdinig.

Hamon naman ng abogado ng CIDG, sumalang sa polygraph test sina Adorco at Lim. Itutuloy ng DOJ ang preliminary investigation sa darating na Martes.

 

(Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,