PNP CIDG handang tumulong sa DSWD sa imbestigasyon hinggil sa batang ginawang mistulang aso na kumalat sa Facebook.

by Radyo La Verdad | May 26, 2015 (Tuesday) | 1799

jasmin
Tutulong ang PNP Criminal Investigation and Detection Group sa imbestigasyon sa kaso ng batang ginawang mistulang aso ng kanyang sariling ina sa Region 3 na kumakalat sa Facebook.

Ayon kay CIDG Spokesperson P/CInsp. Elizabeth Jasmin, hinihintay na lamang nila ang request ng DSWD upang maumpisahan na ang imbestigasyon.

Sinabi pa nito na makikipag ugnayan din sila sa PNP Anti-Cybercrime group upang malaman kung authentic ang picture na nasa Facebook.

Iginiit pa ni Jasmin na base sa tala ng CIDG, may 14 na reklamo na ng Child Abuse silang natatanggap simula buwan ng Enero hanggang ngayong buwan.(Lea Ylagan/UNTV News)

Tags: