METRO MANILA – Sang-ayon si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Debold Sinas sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang tigil-putukan laban sa mga komunista kahit holiday season.
Kaya naman magpapatuloy pa rin ang operasyon ng PNP upang labanan ang pwersa ng New People’s Army (NPA).
Ganunpaman, tatanggapin pa rin ng PNP ang mga kasapi ng CPP-NPA-NDF kung sila ay magbabalik-loob ayon kay PNP Chief Sinas.
“Naiintindihan namin ang kanilang sitwasyon at ang gobyerno ay mag-aalok sa kanila ng opportunity na magbagong buhay,’ ani PNP Chief PGen. Debold Sinas.
Sa nyaon 5 pang miyembro ng CPP-NPA ang sumuko mula silangang kabisayaan sa PNP kamakailan. Kasabay ng pagsuko ng 5 rebelde, isinuko rin ang kanilang mga armas na tatlong .45 pistol at isang 5.56mm Bushmaster assault rifle.
Ang mga rebel-returnee ay dating nagpapatakbo sa isla ng Samar sa ilalim ng SRC Browser, at Jorge Bolita Command ng CPP-NPA Eastern Visayas Regional Party Committee.
(Beth Pilares | La Verdad Correspondent)
Tags: CPP_NPA, PNP, Walang tigil putukan