“Legitimate!? Bakit nyo pinera? Bakit nyo binugbog? Anong klaseng legitimate operation?”
“Nakakahiya kayo, sobra sobra na ginagawa nyo, pang ilang biktima nyo yun?,Ilang Koreano na ginanun nyo?”
Hindi na napigilan ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang galit nang makaharap ang pitong pulis na umano’y sangkot sa robbery extortion sa tatlong Korean national.
Bumisita sa Angeles City, pampanga si Gen. Dela Rosa upang kausapin ang mga ito.
Ayon kay PNP Chief Dela Rosa, mababa ngayon ang moral ng pambansang pulisya dahil sa kagagawan ng ilang tiwaling pulis.
Pagtitiyak ng heneral, nasa dalawang porsyento lang ang scalawags sa kanilang hanay at umaasa siyang malilinis ito bago matapos ang kanyang termino.
Samantala, inihayag naman ni Central Luzon Regional Police Director Chief Supt. Aaron Aquino na dalawa sa pitong pulis na sangkot sa kaso ay mistaken identity lamang
Ngunit nananatili pa ring pito ang suspek sa kaso batay sa salaysay ng isa sa mga Korean victim.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: Pampanga, PNP Chief Ronald dela Rosa., sinermunan ang pitong pulis na sangkot sa robbery-extortion sa tatlong Korean national sa Angeles City