PNP Chief Ricardo Marquez, bumisita sa lalawigan ng Masbate

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 3043

MARQUEZ
Bumisita si PNP Chief Ricardo Marquez sa Camp Bonny Serrano upang alamin ang paghahanda ng Masbate PNP sa nalalapit na 2016 election.

Nanawagan si Marquez sa pulisya ng Masbate na manatiling non-partisan sa idaraos na halalan.

Pinagdadagdagan din ni Marquez ang police visibility sa buong Masbate.

Samantala, anim na Police Chief Inspector ang napromote bilang Police Superintendent, isang Police Superintendent naman ang napromote sa Police Senior Superintendent sa seremonya kaninang umaga.

Nasa Masbate na rin ang mahigit sa tatlumpung Special Action Force na tutulong sa pagbibigay seguridad at katahimkan sa Masbate ngayong eleksyon.

Umaabot naman sa isangdaan at labingapat na mababa at mataas na kalibreng baril ang isinuko at nakumpiska sa opan katok ng PNP sa probinsiya.

Magsasagawa rin ng peace covenant signing ang PNP, AFP COMELEC, Masbate advocates for peace at ang mga tumatakbong kandidato sa lalawigan.

Ayon kay Marquez,kung maipapatupad ang nilagdaang peace covenant matatanggal na ang Masbate sa listahan ng election hotspot o areas of concern.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: ,