METRO MANILA – Binalaan ni PNP Chief Police General Guillermo t Eleazar ang mga pulis laban sa pagsali sa anomang uri ng partisan politics sa gitna nang patuloy na pag file ng Certificate of Candidacy (COC) sa buong bansa.
“Kami mula sa hanay ng PNP ay patuloy sa pagpapanatili ng kaligtasan sa unang bahagi ng electoral process, at habang ako ang nakaupong Chief PNP gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang matiyak at maiwasan ang partisan politics” ani PNP Chief PGEN Guillermo Eleazar.
Paliwanag ni PGEN. Eleazar na mananagot ang sinomang tauhan ng PNP ang magbigay ng suporta sa sinomang kandidato.
Dagdag pa niya na ang katapatan ng higit sa 222,000 na pulis ay sa mamamayang Pilipino lamang at hindi sa sinomang kandidato.
Samantala naging maaayos at mapayapa naman ang ilang araw na pag-file ng COC sa buong bansa.
(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)
Tags: PNP