PNP Chief Oscar Albayalde itinanggi na mayroon ng relief order sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte

by Erika Endraca | October 1, 2019 (Tuesday) | 3439
PHOTO : PNP

MANILA, Philippines – Itinangi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na may relief order na siya mula kay Pangulong Duterte at may itinalaga nang Officer-In-Charge na kahalili niya.

Maaring bunsod lamang umano ito ng kaniyang maaagang testimonial parade sa Philippine Military Academy (PMA) noong Sabado sa Baguio City.

Nag-usap na rin umano sila ni Pangulong Duterte, matapos umugong ang espekulasyon na isa siya sa mga pangalang binanggit ni dating CIDG Chief Benjamin Magalong sa isang executive session sa senado hinggil sa ninja cops o mga pulis na nagre-recycle ng mga nakukumpiskang iligal na droga

Naipaliwanag na aniya niya sa pangulo ang estado ng imbestigasyon ng senado patungkol sa mga ninja cops at kampanya kontra iligal na droga

“hopefully this is not about politics, hindi sana ito, ever since na noon pa we would like the pnp to be isolated from politics basta ako po ay isang public servant and as the president said we are all expendable” ani PNP PGen. Oscar Albayalde.

Mamaya (October 1) ay inaasahang dadalo si PNP Chief Albayalde sa imbetasyon ng senado. Nakahanda umano siyang sagutin ang mga isyu hinggil sa umano’y muling pamamayagpag ng ninja cops sa bansa.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: