PNP Chief, muling iginiit na walang nangyaring cover up sa mga pulis na sangkot sa Espinosa slay case

by Radyo La Verdad | July 27, 2017 (Thursday) | 3926


Naniniwala ang ilang mga senador na nagkaroon ng cover-up sa kaso ng pagpaslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa noong nakaraang taon.

ito ang opinyon ng mga mambabatas matapos ang muling pagbubukas ng imbestigasyon dito

Ngunit ayon kay PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa, imposibleng pagkatakpan nila ang kaso laban sa mga pulis na sangkot sa krimen.

Muli ring dumipensa ang PNP Chief sa re-assignment ni Superindent Marvin Marcos at iba pang pulis na itinuturong pumatay kay Espinosa.

Naninindigan din ang pinuno ng pambansang pulisya na walang impluwensya ni Pangulong Duterte ang anumang judicial process o internal affairs ng pnp partikular na desisyon sa kaso nina Marcos.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,