PNP Chief: Isang Araw, Ikatlong Yugto, napapanahon at dapat panoorin ng mga pulis at kanilang pamilya

by Radyo La Verdad | December 20, 2016 (Tuesday) | 1628

mon_dela-rosa
Matapos ang isang araw, Ikatlong Yugto Sponsor’s night noong nakaraang Martes, isa namang special screening ng advocacy film ni Kuya Daniel Razon ang isinagawa sa SM Skydome kagabi.

Ito ay para naman sa mga kasama sa cast at sa mga kamag-anak ng mga ito na hindi pa nakapanonood ng pelikula tulad na lamang ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Si General Bato ay gumanap na hepe ng pambansang pulisya at boss ni Daniel Baltazar na ginampanan naman ni Kuya Daniel Razon sa thirds installment ng Isang Araw The Movie.

Tinanggap ng heneral ang pagganap sa naturang karakter dahil naniniwala siya sa mabuting layunin ni Kuya Daniel Razon.

Matapos mapanood ang pelikula, sinabi ni PNP Chief Dela Rosa na napapanahon ang tema ng Isang Araw, Ikatlong Yugto. Inirerekomenda rin nito sa lahat ng kawani ng Philippine National Police at maging sa pamilya ng mga ito na panoorin ang advocacy film dahil kapupulutan ito ng maraming aral at magsisilbing inspirasyon din sa hanay ng pulisya.

Ang bahagi naman ng kikitain ng pelikula ay nakalaan bilang tulong sa mga drug dependent sa bansa na sumasailalim sa rehabilitasyon at nagnanais makapagbagong buhay.

Ang pelikulang Isang Araw, Ikatlong Yugto ay sa panulat at direksyon ni Kuya Daniel Razon.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,