PNP Chief, hihilingin sa mga miyembro ng media na sumailalim sa random drug testing

by Radyo La Verdad | July 18, 2016 (Monday) | 2521

GLADYS_DELA-ROSA
Posibleng isailalim na rin sa random drug testing ang mga kawani ng media bilang suporta sa ipinatutupad na kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot ng Duterte Administration.

Sa kanyang unang command visit sa Cebu, tinunghayan ni Philippine National Police Director General Ronald Dela Rosa ang pagsailalim sa drug testing ng nasa dalawampung miyembro ng Cebu media.

Bukas inaasahang lalabas ang resulta ng drug test ng ilang miyembro ng media.

Samantala, inihayag naman ni Gen. Dela Rosa na may mga pulis sa Cebu na tumatanggap umano ng pera mula sa illegal drugs group kaya sila inalis sa puwesto.

Lumabas ang balita nang i-atras ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña ang suporta sa anti-drug campaign matapos umanong palitan nang walang abiso ang ilang opisyal ng city police.

Si Osmeña ang alkalde na nagsabing magbibigay ng reward sa bawat mapapatay na drug-crime suspect sa lungsod.

Pinayuhan rin nito ang Cebu Police na ituloy ang laban kontra droga at huwag magpapatakot sa banta ng illegal drug groups.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , ,