PNP Chief Gen. Ricardo Marquez, tiniyak ang pakikipagtulungan sa AFP upang ma-neutralize ang Abu Sayyaf sa Mindanao

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 2234

DANTE_MARQUEZ
Bumisita sa Zamboanga City Police Office si PNP Chief Police Director General Ricardo Marquez kahapon.

Pangunahin dahilan nito ay upang alamin ang paghahanda ng Zamboanga Police ngayong nalalapit na halalan.

Kaugnay nito, tiniyak din ng pinuno ng pampansang pulisya na patuloy ang pakikipagtulungan nito sa Armed Forces of the Philippines upang tugisin at ma-neutralize ang rebeldeng Abu Sayyaf group sa Mindanao partikular sa Sulu.

Bukod sa paghahasik ng karahasan sa Sulu, may banta rin ng pambobomba ang Abu Sayyaf group sa iba pang lugar sa rehiyon kabilang na rito ang lungsod ng zamboanga.

Una nang sinabi ng AFP na puspusan ang pagtugis nito sa A-S-G hanggang sa mabuwag ang rebeldeng grupo.

Samantala bukod sa Abu Sayyaf, pinangangambahan din ng mga residente sa Zamboanga City ang muling paghahasik ng kaguluhan ng Moro National Liberation Front.

Ang MNLF ang responsable sa Zamboanga Siege noong 2013.

Tiniyak naman ng PNP Chief na gagawin ang lahat upang maaresto ang founder nito na si Nur Misuari kapag may inisyu ng warrant of arrest laban dito.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,