PNP Chief Dela Rosa, naniniwalang malaki ang partisipasyon ni P/Supt. Dumlao III sa pagkidnap at pagpatay kay Jee Ick Joo

by Radyo La Verdad | January 23, 2017 (Monday) | 1230

GRACE_DELA-ROSA
Hindi maitago ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang kanyang galit nang matuklasan ang umano’y naging sabwatan nina SPO3 Ricky Sta. Isabel at team leader nitong si P/Supt. Rafael Dumlao III.

Kumbinsido si Dela Rosa na malaki ang naging partisipasyon ni Dumlao sa pag-kidnap at pagpatay kay Korean Busnessman Jee Ick Joo.

Sa salaysay ni PO2 Christopher Baldovino, kinumpirma niyang sa unang surveillance na isinagawa nila sa bahay ng isang Koreano sa Angeles, Pampanga noong October 4, si Dumlao aniya ang nagbibigay ng instruction at kausap ni Sta. Isabel.

Ayon sa PNP Anti-Illegal Drugs Group, magagamit na itong probable cause sa mga alegasyon laban kay Dumlao.

Kasalukuyan na itong nahaharap sa kasong administratibo upang tuluyan nang matanggal sa pwesto.

Isinailalim na noong Huwebes sa protective custody ng PNP si Dumlao habang imiimbestigahan ang kaso.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,