PNP Chief Dela Rosa, nag-offer ng kanyang resignation kay Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | January 23, 2017 (Monday) | 1467

DELA-ROSA
Nagtipon-tipon sa Camp Crame kagabi ang ilang opisyal ng pambansang pulisya, mga kaanak at mahal sa buhay ni Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa para sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-limamput limang kaarawan.

Dumating din sa pagtitipon si Pangulong Rodrigo Duterte at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Inihayag ni PNP Chief Dela Rosa na nag-offer sya sa pangulo na mag-resign dahil sa nangyaring iskandalo sa PNP matapos na lumabas sa kanilang imbestigasyon na sa loob mismo ng Camp Crame pinatay ang Korean kidnap victim na si Jee Ick Joo.

Ngunit hindi aniya ito tinanggap ng pangulo at sa isang talumpati sinabi ng punong ehekutibo buo ang kanyang tiwala sa pinuno ng pambansang polisya.

Samantala, sinabi rin ni PNP Chief “Bato” na hindi niya ipinagdaramdam ang naging pahayag ni House Speaker Alvarez dapat ay magbitiw na siya sa pwesto.

Para sa kanyang birthday wish sinabi naman ng pinuno ng pambansang pulisya na sana ay magbago na ang mga tiwaling pulis.

(UNTV News)

Tags: ,