PNP Chief Dela Rosa, itinangging politically-motivated ang mga kasong isinampa vs. Sen. De Lima

by Radyo La Verdad | March 21, 2017 (Tuesday) | 3000


Buo ang paniniwala ni Philippine National Police Chief PDG Ronald Dela Rosa na may legal at matibay na basehan ang Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 nang ipag-utos nito ang pag-aresto kay Sen. Leila de Lima bunsod ng umano’y pagkakasangkot sa paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Taliwas ito sa resolusyon na ipinasa ng European Parliament noong nakaraang linggo na nagsasabing politically-motivated umano ang mga hakbang laban sa lady senator kaya dapat na itong palayain.

Sa rekomendasyon naman ng EU na imbestigahan ng United Nation Human Rights Council ang kaso ng umano’y extrajudicial killings sa Pilipinas, ito ang sagot ng PNP Chief.

Una nang nagpasalamat si Sen. de Lima sa ipinapakitang concern sa kanya ng International Human Rights Organization.

Aniya isa lamang itong patunay na hindi nagbubulag-bulagan ang mga ito sa mga nangyayari sa Pilipinas.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,