Umabot sa 525 na indibidwal ang naaresto ng Police Regional Office 13 simula noong ika-11 ng Setyembre hanggang ika-11 ng Oktubre ngayong taon.
Kinabibilangan ito ng mahigit isang daang drug personalities, mahigit dalawang daang wanted persons, 78 illegal gamblers, 29 illegal loggers, 62 iligal na mangingisda at 29 suspek ng possesion of loose firearms.
Ito ang naging basehan kung bakit pumapangalawa ngayon ang PRO 13 sa may pinakamaraming naresolbang kaso sa loob ng nakalipas na buwan sa isinagawang national rangking on crime solution efficiency sa Camp Crame.
Sinundan nito ang National Capital Region Police Office na may rating na 83.89% habang 83.67% naman ang nakuha ng PRO 13.
Sa loob din ng nakalipas na buwan ay mahigit isang daang gramo naman ng shabu at mahigit isang libong gramo ng marijuana ang nasabat ng PNP Caraga na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.
Limang drug suspek naman ang napatay matapos umanong manlaban sa mga isinagawang anti-illegal drugs operasyon.
Ayon sa PNP ang kooperasyon ng kumunidad ang isa sa naging susi upang mahuli ang mga may pananagutan sa batas.
Samantala, maliban sa anti-criminality campaign at crime solving efforts, inihahanda na ngayon ng PNP Caraga ang security plan nito para sa mapayapang 2019 midterm elections.
( Raymond Oktobre / UNTV Correspondent )
Tags: crime solution efficiency, PNP Caraga, Police Regional Office 13