Importer ng luxury cars sa Quezon City, sinampahan ng mahigit P600-million tax case ng BIR

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 1617

RODERIC_HENARES
Sinampahan na ng BIR ng mahigit 600-million pesos na tax case ang isang importer sa Quezon City na sangkot umano sa smuggling ng luxury cars.

Kinilala ni BIR Commissioner Kim Henares ang inirereklamong importer na si Eddie Mitra Estallo Junior, may-ari ng amest trading na matatagpuan sa Quezon Avenue, Brgy Lourdes, Quezon City.

Base sa nakuha nilang records mula sa Bureau of Customs, umabot sa mahigit isang bilyong pisong halaga ng mga luxury car ang inimport ng kumpanya ni Estallo noong 2014 ngunit hindi ito nagdeklara ng anomang kita.

Dapat umanong magbayad ang importer ng 638-million pesos na income tax kasama na ang interes.

Dati nang inimbestigahan sa kamara ang Amest Trading noong Disyembre dahil sa pagkakasangkot nito sa smuggling ng mga luxury car na pinadadaan sa port of Batangas.

Samantala, nagpaalala naman si henares sa mga taxpayer na agahan ang paghahain ng kanilang income tax return at huwag nang hintayin ang nakatakdang deadline sa April 15.

Mas maigi na aniyang gawin na ito ngayon pa lamang upang wag nang maabala at makipagsiksikan sa inaasahang dagsa ng mga taxpayer sa huling araw ng pagsusumite ng ITR.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,