PNP board of inquiry, nagsagawa ng site inspection sa pinangyarihan ng misencounter sa Sta. Rita, Samar

by Radyo La Verdad | June 28, 2018 (Thursday) | 3937

Tinungo ng board of inquiry ng Philippine National Police (PNP) at Special Investigation Task Group (SITG) ang lugar sa Sta. Rita, Samar kung saan nangyari ang engkwentro sa pagitan ng mga myembro ng  805th Company Regional Mobile Force Batallion at 87th Infantry Batallion.

Kasama ng mga ito ang ilang pulis na nakaligtas sa pangyayari upang inspeksyunin ang lugar at magsagawa ng re-enactment.

Ayon sa head ng BOI na si Police Director Rolando Felix, isinagawa ito upang magkaroon ng first hand knowledge kung ano ang aktual na nangyari sa misencounter ng PNP at AFP.

Base sa ginawang inisyal na imbistigasyon ng board of inquiry, nasa 12-13 meters ang distansya ng pinakamalapit na sundalong nagpaputok base sa mga basyo ng bala na kanilang narecover.

Dahil umano sa maraming puno at dawag o vegetated ang lugar, may mga parte na hindi ganun kataas ang visibility.

Ayon naman kay Police Senior Superintendent Leonardo Suan, head ng SITG, sa ngayon ay ongoing ang pagkalap ng statement sa mga PNP personnel at ang pagkuha ng paraffin test sa kanila.

Samantala, ang mga army naman na sangkot dito at tapos na umanong i-paraffin test at nakunan na rin ng salaysay.

 

( Archyl Egano / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,