PNP, binalaan ang publiko vs. Vacation Scam ngayong nalalapit na long holiday

by Radyo La Verdad | March 4, 2024 (Monday) | 5873

METRO MANILA – Binalaan ng pambansang pulisya ang publiko laban sa nauusong vacation scam ngayong nalalapit na long holiday.

Isa itong uri ng Information and Communication Technology Crime kung saan nagpapanggap na lehitimong establisyimento ang mga scammer.

Nag-aalok ang mga ito online ng accomodation services sa mas murang halaga.

Matutuklasan na lamang ng mga biktima na wala pa lang ganitong establishment pagdating nila sa lugar kung saan sila kumuha ng reservation.

Payo ng PNP sa publiko, alamin kung lehitimo ang mga travel agency na kanilang nakaka-transaksyon upang hindi maloko ng mga sinsabing promo ng travel packages.

Tags: ,