Limamput anim na lalake at dalawamput apat na babae ang sumasailalim sa sa training sa Camp Bonny Serrano sa Masbate.
Ang mga ito ay gustong maging alagad ng batas.
Ayon kay Police Chief Inspector Arthur Gomez sasalang ang isang aplikante interview at matapos ito ay sa tinatawag na agility test.
Kung dati ang mga aplikante ang nagtutungo ng personal sa Regional Office ngayon ang mismong PNP Region 5 na ang pumupunta sa mga bayan upang mag-recruit.
Anim na buwan sasailalim sa pagsasanay ang mga bagong recruit sa training center sa Camp Ola sa Legazpi City sa Albay.
Sa mga nagnanais na maging isang alagad ng batas kailangan ay college graduate, may eligibility, 5’2” ang height sa babae 5’4” naman sa lalake.
Sa ngayon may isanlibo dalawamput lima na ang bilang ng mga aplikante sa pagkapulis sa buong rehiyon ng Bicol.
(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)
Tags: mga aplikante, pagkapulis, PNP Bicol Region