Susuportahan ng pamunuan ng Philippine National Police ang kanilang mga tauhan na magsasampa ng kaso laban sa kay Vice President Jejomar Binay at sa mga supporters nito.
Ito’y matapos ang kaguluhang nangyari sa Makati kaugnay ng suspension order ng Ombudsman kay Mayor Junjun Binay.
Ayon kay PNP OIC P/DDG Leonardo Espina, may kinalaman sa trabaho ang pagsasampa ng kaso ng kanyang mga tauhan kaya’t obligado silang bigyan ang mga ito ng abogado.
Handa naman ang mga pulis na nasaktan na magsampa ng reklamo dahil sa umano’y panlalait at pagbabanta sa kanila ng pangalawang pangulo.
Tags: PNP OIC P/DDG Leonardo Espina, Vice President Jejomar Binay