PNP at PDEA, sang-ayon sa nais ng pangulo na sirain ang lahat ng nakumpiskang ilegal na droga sa loob ng 1 Linggo

by Erika Endraca | October 7, 2020 (Wednesday) | 25022

METRO MANILA – Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na sirain ang lahat ng nakumpiskang ilegal na droga ng mga awtoridad.

Sa kaniyang public address, binibigyan ni Pangulong Duterte ang mga awtoridad ng isang Linggo para sirain ang mga nasabat na kontrabando.

“I want all the shabu residual or otherwise, however minimal, destroyed, the whole of it by next week. You have so many days to do it in one week. Do it in one week. Destroy and get specimen,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) tatalima sila sa utos ni pang. Duterte.

Ito’y upang maiwasan ang pangamba ng publiko na nagre- recycle ang mga otoridad ng droga mula sa nakukumpiskang nila sa mga operasyon.

Ayon kay PNP Chief PGen. Camilo Cascolan, nag usap na sila ng PDEA ukol dito dahil sa pdea dinadala ng PNP ang mga nakukumpiska nilang ilegal drugs.

“Actually napag usapan na namin yan dati ng pdea, okey naman, actually within three days dapat yun ang usapan within three days dapat wala na yan, susunugin na yan”ani PNP Chief PGen. Camilo Cascolan.

Base RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 Sec. 21. Matapos na makapag file ng criminal case laban sa suspect, kailangan ng korte na na magsagawa ng ocular inspection sa nakumpiskang ilegal na droga sa loob ng 72 hours at sisirain ito ng pdea sa loob ng 24 na oras sa presensya ng judge, media at kawani ng barangay.

Sinabi naman ng PDEA na ginagawa na nila ito sa katunayan noong Agosto ay sinunog nila ang nasa P13.36-B na halaga ng ilegal na droga sa Trece Martirez Cavite.

Mayroon din aniya silang dapat na naka schedule na 800 kilo ngayong october ngunit ipinare schedule ito ng judge sa nobyembre dahil sa conflict of schedule.

Dagdag pa ni PDEA Director General Wilkins Villanueva nasa 700 kilos pa mula sa archive cases ang kailangan nilang sirain.

“ Hindi naman natin ma destroy kasi walang accuse, representative of the accuse so hindi pwede idestroy.. Marami tayong nire- resolve ngayon, pipilitin namin na one week matapos yung kay presidente, pipilitin namin” ani PDEA Director General Wilkins Villanueva.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: ,