PNP at AFP pinagtutulungan nang imbestigahan ang umano’y pagdukot sa 10 Indonesian national sa Tawi- Tawi

by Radyo La Verdad | March 29, 2016 (Tuesday) | 1499

ARA__PADILLA
Nagsanib pwersa na ang militar at pulisya upang makumpirma ang di umano’y pagdukot ng Abu Sayyaf group sa mga Indonesian national sa bahagi ng Tawi-Tawi.

Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, nasa proseso pa rin sila ngayon ng beripikasyon sa natagpuang abandonadong vessel sa bayan ng languyan sa Tawi-Tawi noong Lunes.

Ayon naman kay PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, may itinalaga nang imbestigador na kakalap ng impormasyon at makikipag tulungan sa militar.

Nasa pantalan na ngayon ng languyan Tawi-Tawi ang nasabing vessel na may markings na Brahma 12 Jakarta YDB 431.

Ayon pa kay Mayor, sa ngayon ay hindi pa nakikipag-ugnayan sa kanila ang indonesian embassy tungkol sa umano’y pagdukot ng Abu Sayyaf sa mga Indonesian national.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,