METRO MANILA – Patuloy ang ginagawang pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa panibagong estratehiya upang hindi na makabalik ang pamamayagpag ng CPP-NPA sa bansa.
Ito ang reaksyon ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., kasunod ng pahayag ng pangulo na wala nang NPA sa Pilipinas.
Ayon kay Gen. Acorda ang AFP ang nakatututok sa external threat habang ang PNP naman sa internal threat.
Isa aniya sa pinalalakas ng pambansang pulisya ay ang programang “Pulis sa Barangay”.
Sa ganitong paraan aniya, malalaman ng pulisya kung mayroon bagong mukha o may ibang tao sa mga barangay.
Madali din aniyang malalaman ng mga pulis kung mayroong problema ang isang barangay kaugnay sa kanilang seguridad.