Muling nagsumite kahapon ng resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte si PNP Chief Ronald Dela Rosa upang isalba ang imahe ng PNP; subalit hindi ito tinanggap ng pangulo at sa halip ay inutusan si pnp chief na buwagin ang lahat ng Anti-Illegal Drugs Unit ng PNP mula station level hanggang sa Anti-Illegal Drugs Group na siyang nakatutok sa mga high value target.
Kabilang sa mga accomplishment ng grupo ang operasyon sa Claveria,Cagayan, floating shabu lab sa Subic, pagkakahuli sa drug supplier ng mga artista sa San Pedro, Laguna at ang pagkakahuli kay Kerwin Espinosa.
Bagamat malungkot ay tanggap at iginagalang naman ni AIDG Director PSSupt. Albert Ferro ang desisyon ng pangulo at ni Chief PNP.
Sa ngayon aniya ay nagsasagawa na sila inventory sa mga gamit at kasong hawak nila at pinaghahandaan na nila ang pagpa-file ng urgent motion para sa issuance ng commitment order sa hawak nilang 7 detainees.
Nanghihinayang din aniya si Gen. Dela Rosa sa nakamit nilang 70% na tagumpay laban sa ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng kanilang Oplan Double Barrel at Project Tokhang subalit mas mahalaga aniya na linisin muna ang kanilang hanay mula sa mga tiwaling pulis.
Sa ngayon ay ipapaubayan muna ng PNP sa PDEA ang mga operasyon laban sa iligal na droga subalit nilinaw nitong tuloy ang kanilang anti-criminality campaign.
Ang nasa 350 namang tauhan ng AIDG na may magandang record ay inaccount na ng Directorate for Personnel Records and Management at pinagsi-signify kung saan unit nais na mapunta.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: binuwag na, PNP-AIDG at iba pang Anti-Illegal Drugs Units