Nakatakdang magpatupad ng 3-strike policy si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa sa lahat ng police official sa buong bansa.
Nakasaad sa ilalabas na memorandum na agad tatanggalin sa pwesto ang bawat commander mula sa pinakamaliit na unit ng PNP hanggang sa regional director kung ang kanilang mga tauhan ay mapapatunayang nasangkot sa mga operasyon ng iligal na droga, pangongotong at iba pang katiwalian.
Nais ng pamunuan ng pnp na maipatupad ito sa lalong madaling panahon bilang bahagi na rin ng kanilang isinasagawang internal cleansing.
Nakatakda rin silang bumuo ng oversight committee na tututok sa mga kasong kanilang iimbestigahan.
Muli namang nagbabala si Dela Rosa sa lahat ng tauhan ng pnp na kahit simpleng paglabag kung palaging ginagawa ay maaaring nang magresulta ng mabigat na parusa.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: mga police official, Mga tauhan, PNP