PNP at AFP, mataas ang kumpiyansang magiging payapa ang halalan

by Radyo La Verdad | April 7, 2016 (Thursday) | 1520

DANTE_MARQUEZ
Lumagda sa joint operational guidelines ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para sa ipatutupad na seguridad sa May 9 elections.

Ayon kay PNP Chief PDG Ricardo Marquez, magtutulungan sila upang mapanatili ang kaayusan sa bansa bago at pagkatapos ng halalan.

Kasama rin sa mga pagpupulong para sa security plan ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan na inatasan ng COMELEC ngayong halalan.

Puspusan din ang pagtugis ng AFP sa mga threat group upang hindi na madagdagan ang tatlong naitalang election related incidents.

Kasabay nito ay muling nanawagan ang AFP at PNP sa COMELEC na ibigay na ang kabuuang budget nila para sa eleksyon.

Pangako naman ng COMELEC, pag aaralan nilang mabuti at mamadaliin ang proseso upang agad na maibigay ang kailangan ng PNP at AFP.

Sakaling mabigo ang COMELEC na ibigay ang kumpletong pondo, tiniyak naman ng mga pulis at sundalo na gagawin pa rin nila ang kanilang tungkuling magbantay sa seguridad sa abot ng kanilang makakaya.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,