PNP-ACG, binalaan ang publiko laban sa modus na ‘Love Scam’ at identity theft

by Radyo La Verdad | February 3, 2024 (Saturday) | 1793

METRO MANILA – Binalaan ng Philippine National Police Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang publiko laban sa modus operandi na kung tawagin ay “Love Scam”  lalo na ngayong buwan ng Pebrero at sa identity theft.

Madalas aniyang nabibiktima ng love scam ay ang mga naghahanap ng karelasyon online.

Ilan sa mga profile ng love scammers ang sad boi, sad gurl kung saan nagku-kwento ng malungkot na buhay nya ang scammer para makuha ang atensyon mo.

Kabilang din ang mga tinatawag na “The Seducer”, the investor, servicemen, the escort, the blackmailer… the slow burn na nagpapanggap na harmless at the predator na target naman ang mga batang biktima.

Nagkaroon naman ng pagtaas sa kaso ng identity theft noong nakaraang taon kung saan umabot ito sa 12.2% kumpara noong 2022.

Tags: ,