Pangulong Aquino, nakatakdang bumisita sa Cebu

by Radyo La Verdad | April 19, 2016 (Tuesday) | 1275

PNOY
Inaasahang bandang alas tres ng hapon ay darating dito sa Argao, Cebu si Pangulong Benigno Aquino III.

Kasama nito sina Aika Robredo at Paulo Roxas bilang representative nina Presidentiable Candidate Mar Roxas at Vice-Presidentiable Candidate Leni Robredo ng Liberal Party upang magbigay ng mensahe.

Ilan sa cabinet secretaries na makikita ay sina Sarmiento ng Department of Interior and Local Government at Singson ng Department of Public Works and Highways.

Magkakaroon ng testimonials mula sa 4Ps beneficiary, Science High School scholar na gaganapin sa Remonde Sports and Cultural Center.

Isasagawa rin ang launching of the shared facility on handloom weaving.

Samantala inihanda at i-mamaximize naman ng Police Regional Office-7 ang mga kapulisan upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa pagbisita ng pangulo.

Rally na isasagawa ng mga tao at posibleng pag-atale ng mga terorista ang ilan sa mga pinaghahandaan at tinututulan ng pulisya.

Ang PRO-7 ay may 7095 uniformed personnel.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: