PMA, magsasagawa ng entrance examination sa August 21 sa Mindanao

by Radyo La Verdad | August 16, 2016 (Tuesday) | 9998

pma
Nagtungo sa Zamboanga City ang ilang mga tauhan at mga kadete ng Philippine Military Academy o PMA upang ipang anyaya o ipaalam sa publiko ang kanilang isasagawang entrance examination sa darating na August 21.

Sa bahagi ng Western Mindanao ay magkakaroon ng examination sa Tawi-Tawi, Ipil Zamboanga Sibugay at Zamboanga City.

Kabilang sa mga requirement s sa mga nagnanais maging PMA Cadet ay:

1. Dapat nag edad ng 17 hangang 21 taong gulang
2. Physically fit
3. May height na five feet pataas
4. At kailangang din na may general average na 85 percent sa pataas

Kinakailangan lang magdala ang mga aplikante ng birth certificate at 2 by 2 picture.

Tiniyak naman ng p-m-a na bagamat may ilang mga opisyal ng Philippine National Police na nagmula sa kanilang hanay ang nasasangkot sa ilang illegal na gawain, i-ilan lamang ito kumpara sa mga matitinong militar sa ating bansa.

Ayon kay Lieutenant Colonel Agnes Flores, Spokesperson ng PMA entrance examination team, hinuhubog ang mga kadete sa idealismo ng pagiging tapat sa bansa at sa kanilang tungkulin.

(Dante Amento/UNTV Radio)

Tags: ,