Muling naungkat ang isyu ng mga basurang dinala sa Pilipinas mula sa Canada sa pagbisita sa bansa ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau kasabay ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit 2017.
Ayon sa opisyal, ginagawa nila ang lahat ng paraan upang maresolba ang problema na natagalan dahil sa ilang isyu sa Canadian legal regulations.
Ngunit ngayon aniya ay naresolba na ito at ang posible nang maibalik sa kanilang bansa ang mga basura ngunit mayroon pang ilang detalyeng inaayos bago ito maisagawa.
Matatandaang 55 container ng mga basurang mula sa Canada ang nadiskubre ng Bureau of Customs noong 2013 sa port of Manila.
Ayon sa Department of Enviroment and Natural Resources o DENR, may nakahain ng kaso laban sa mga consignee ng mga basurang galing sa Canada.
Nilinaw nito na hindi naman hazardous ang mga basurang ito kundi recycable subalit paglabag parin ito sa batas pangkalikasan ng Pilipinas. Mula sa 55 container van ay nasa 26 na lamang ang natitira sa mga ito.
( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )
Tags: basura, Canada, PM Justin Trudeau