Plastik na gawa mula sa pagkain, makakatulong sa kalikasan

by Radyo La Verdad | February 24, 2016 (Wednesday) | 3064

Edible-Plastic-Film
Isang Edible Plastic Film ang na-develop ng isang grupo ng mga Brazilian researcher na makakatulong sa kalikasan.

Sa halip na petroleum, ang raw materials na ginamit rito ay mga pagkain tulad ng gulay at prutas.

Sa pamamagitan nito, mababawasan ang plastic waste na daan-daang taon bago ma-decompose.

Bukod rito, mababawasan rin ang food waste dahil magagamit ang overripe na mga pagkain na karaniwan ay itinatapon na.

Ang Edible Film na ito ay kayang mag-conserve ng pagkain dalawang beses na higit sa oras na kaya ng conventional plastic.

Tatlong beses din itong mas resistant.

Dahil sa materyal na ginamit, nabubulok ito sa loob ng tatlong buwan at maaari ring magamit bilang fertilizer.

(UNTV RADIO)

Tags: