Ipinahayag ng isang Senior US State Department Official kahapon na muling binuksan ng North Korea ang plutonium fuel production plant nito sa Yongbyon, Pyongyang.
Ang plutonium ay ginagamit bilang fuel sa nuclear plants at sa paggawa ng nuclear weapons.
Ang naturang hakbang ng North Korea ay pagpapakita umano ng plano ng bansa na i-pursue ang nuclear weapons program nito sa kabila ng una ng ipanataw na sanction ng United Nations Security Council dahil sa mga nuclear testing na ginawa nito.
Dahil dito nanawagan ang China, nag-iisang major ally ng North Korea, na muling magkaroon ng dialogue kaugnay ng denuclearisation sa Korean Peninsula.
(UNTV RADIO)