Planong PHL-China joint exploration sa WPS, titiyaking alinsunod sa konstitusyon – DFA Sec. Cayetano

by Radyo La Verdad | July 27, 2017 (Thursday) | 2409


Mahaba haba pa umano ang usapan bago maisakatuparan ang joint exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, kapag minadali ang proyekto ay baka magdulot lang ito ng destabilisasyon sa iba pang asean countries na naghahabol din sa West Philippine Sea.

Subalit paliwanag ng kalihim, target nilang maituloy na ito sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Duterte dahil 1986 pa mula ng buksan ang usapin sa planong joint exploration

Ayon kay Cayetano, sisiguraduhin nila na naaayon ito sa konstitusyon. Sa ngayon hindi pa idinetalye ng kalihim ang magiging laman ng negosasyon ng pilipinas sa China.

Ang tanging nabanggit lang sa pagpupulong nila ni Chinese Minister Wang Yi ay ang posibilidad ng pagbuo ng framework sa posibleng kasunduan

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , ,