Planong pagsasampa ng reklamo sa mga taxi driver na hindi magbibigay ng sukli sa mga pasahero, suportado ng ilang operator

by Radyo La Verdad | May 20, 2016 (Friday) | 1971

TAXI
Binalaan ni Presumptive President Rodrigo Duterte angmga taxi driver na ayaw magbigay ng sukli sa kanilang mga pasahero na sila ay masasampahan ng reklamo.

Sinang-ayunan naman ito ng Samahan ng mga Tsuper at Operators ng Pilipinas Genuine Operation o STOP and GO Coalition.

Handa rin tumulong ang STOP & GO Coalition sa mga pashero na magpa-file ng reklamo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board laban sa mga abusadong taxi driver.

Nanawagan din ang grupo sa kapwa taxi operators at drivers na makipagtulungan sa mga ipatutupad na pagbabago ni Duterte para sa mas maayos na sistema.

Ayon naman kay LTFRB Board Member Atty. Ariel Inton, matagal nang may batas laban sa overcharging at ang sinumang lalabag ditto ay pagmumultahin ng limang libong piso.

Pakiusap naman ng mga taxi operator sa mga pasahero na maghanda rin ng eksaktong pamasahe at iwasang magbigay ng malalaking halaga ng pera lalo na sa umaga para sa mas maayos na samahan sa pagitan ng taxi drivers at operatotrs.

(Aiko Miguel/UNTV NEWS)

Tags: ,