Hinihikayat naman ni Liberal Party President Sen. Francis Pangilinan si Pangulong Rodrigo Duterte na pag-isipang mabuti ang planong pag-kansela ng barangay elections sa oktubre at mag-appoint na lamang ng mga manumuno sa barangay.
Sa isang statement, sinabi ni Sen. Pangilinan na ang naturang hakbang ay maituturing na pagyapak sa karapatan ng isang tao na pumili at bumoto ng lider ng mga barangay.
Nakakabahala aniya ang pahayag ng pangulo na tila sumasailamin sa umano’y authoritarian ideologies na noon ng dating diktator na si Ferdinand Marcos.
Samantala, nais naman ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel The Third na marinig ang buong paliwanag ng pangulo sa planong barangay election postponement upang makagawa sila ng kaukulang hakbang.
Tags: brgy polls, LP President