METRO MANILA – Nasa mesa na ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang rekomendasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na mag angkat ng 150,000 na metric tons ng asukal.
Ang naturang panukalang dami ng asukal na aangkatin ay para sa mga malalaking negosyo na gumagamit ng asukal sa kanilang mga produkto.
Sa isang panayam, sinabi ni SRA Acting Administrator David Alba na posibleng mailabas nila ang Sugar Order para sa pag-aangkat sa kalagitnaan ng Setyembre.
Sa ngayon ayon kay Press Secretary Trixie Cruz Angeles, patuloy pang pinag-aaralan ng pamahalaan kung gaano karami dapat ang aangkatin asukal.
Kung saan ikinokonsidera rin ang dami ng local production ng asukal sa bansa.
“Parati naman po itong nire-review, kung ano yung naaangkop na amount, yan po ang gagawing quota ng importation” ani Office of the Press Secretary Sec. Trixie Cruz-Angeles.