Malaya umano ang public attorney’s office na baguhin ang kanilang naunang kasong isinampa sa Department of Justuce (DOJ) ayon kay DOJ Sec. Mendardo Guevarra.
Ayon kay PAO Chief Atty. Percica Acosta, inihahanda na nila ang mga ebidensya na kanilang ipepresenta sa korte para mula sa reckless imprudence resulting in multiple homicide ay ia-upgrade nila ang kaso sa murder.
Kasalukyang respondent sa kaso ay ang Sanofi Pasteur at ang ilang dati at kasalukuyang opisyal ng DOH.
Pero ayon kay Sec. Guevarra, dedesisyunan aniya ito ng DOJ base lamang sa mga maipepresentang ebidensya.
Ang ilang magulang ng batang nasawi matapos umanong bakuhahan ng Dengvaxia, nanawagan ng hustiya na panagutin ang nasa likod ng kapabayaan.
Una na ring sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na pananagutin ang mga opisyal ng pamahalaan na mapapatunayang nagkaroon ng kapabayaan. Nakikisimpatya rin umano ang Makalanyang sa pighati ng mga pamilya ng mga batang nasawi.
Dagdag pa ni Panelo, nakamonitor ang Pangulo sa nagiging takbo ng mga kaso.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: Dengvaxia controversy, DOJ, PAO