Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga panuntunan hinggil sa planong muling pagpapatupad ng high occupancy vehicle sa EDSA.
Sa ilalim ng naturang polisiya, hindi na papayagang dumaan sa EDSA tuwing rush hour ang mga pribadong sasakyan na iisa lamang ang sakay. Bagaman layon nito na maibsan ang problema ng trapiko sa EDSA, hindi pabor dito ang maraming motorista.
Umani rin ng batikos mula sa mga netizen sa social media ang panukalang HOV policy ng MMDA. Ang muling pagbuhay sa HOV lane policy ay isa sa mga agendang inaprubahan ng Metro Manila Council.
Sa pagtaya ng MMDA, nasa 70% ng mga sasakyang araw-araw na dumadaan sa EDSA ay iisa lamang ang nakasakay.
Dati nang ipinatupad ang HOV lane policy, subalit naging problema noon ng MMDA ang pahirapang pagtukoy kung ilan ang mga pasahero sa loob ng sasakyan dahil sa makapal na tint.
Para sa ilang motorista, hindi na kailangan ang HOV lane policy at sa halip ay paigtingin na lamang ang number coding scheme.
( Joan Nano / UNTV Correspondent )
Tags: EDSA, HOV lane policy, MMDA