Iniulat ng National Capital Region Police Office na ngayon pa lang ay naghahanda na sila kasama ang Armed Forces of the Philippines sa gagawing paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Ayon kay NCRPO Director Police Chief Superintendent Oscar Albayalde siya ang magiging head ng task force na bubuuin upang tiyakin na magiging mapayapa ang Marcos burial.
Magdadagdag ng pwersa ang NCRPO upang matiyak na mababantayang maigi ang paligid ng Libingan ng mga Bayani dahil sa inaasahang kaliwat kanang protesta mula sa pro at anti-Marcos.
Ang AFP naman na ang mangangalaga ng seguridad sa loob ng Libingan ng mga Bayani.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: AFP, Plano sa paglilibing kay dating Pang. Marcos sa LNMB, PNP