Piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng ilang NDF peace consultants, wala nang bisa – Gen. Año

by Radyo La Verdad | February 8, 2017 (Wednesday) | 977


Naniniwala si AFP Chief of Staff General Eduardo Año na walang legal na hadlang sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang peace consultants ng National Democratic Front.

Aniya, maituturing nang kanselado o wala nang bisa ang piyansang ibinigay ng peace consultants matapos suspindihin ng pangulo ang usapang pangkapayapaan sa rebeldeng komunista.

Kahapon, naglabas na ng lookout bulletin order ang Department of Justice at pinababantayan sa Bureau of Immigration ang posibleng pag-alis ng bansa ng 20 peace consultants.

Dati namang iginiit ng legal consultant ng NDF Peace Panel na si atty. Edre olalia na ang korte lamang ang maaaring magsabi kung puwedeng arestuhin ang mga consultant ng NDF.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,