Pito, sugatan sa banggaan ng 4 na motorsiklo sa Davao City

by Radyo La Verdad | April 26, 2018 (Thursday) | 3172

Magkatuwang na tinulungan ng UNTV News and Rescue Team, Davao Central 911 at iba pang rescue units ang pitong taong sugatan sa banggaan ng apat na motorsiklo sa may Tugbok, Davao City, pasado alas onse kagabi.

Ang UNTV Rescue ang naglapat ng pangunang lunas sa mga sugat ng isa sa mga driver na kinilalang si Mark Uy.

Ayon sa mga otoridad, tinangkang mag-overtake sa isang sasakyan ng isa sa kanila subalit bumangga ito sa kasalubong na motorsiklo at dito na nangyari ang karambola ng apat na motor.

Pagkatapos malapatan ng pangunang lunas, agad dinala ng iba’t-ibang rescue units ang mga biktima sa Southern Philippines Medical Center.

Tinulungan rin ng UNTV Rescue ang mga sakay ng isang naaksidenteng motorsiklo sa may J.P. Laurel Street, Bahada, Davao City kaninang pasado alas tres ng madaling araw.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sina si Mark John Ronnel Abutyap at Dorotheo Galido.

Ayon kay Abutyap, pahinto sila sa may traffic light subalit nawalan siya ng balanse sa motor.

Matapos malapatan ng paunang lunas ay tumanggi nang magpadala sa ospital ang dalawa.

 

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

Tags: , ,