Pisong bawas pasahe sa bus posibleng ipatupad sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 2596

BUS
Posibleng ipatupad na sa susunod na linggo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pisong bawas pasahe sa mga bus sa Metro Manila.

Mula sa minimum fare na dose pesos ay magiging onse pesos na lamang ito sa aircon na bus samantalang siyam na piso naman para sa ordinary bus mula sa dati nitong pasahe.

Ito ay matapos maghain ng petisyon para sa voluntary fare reduction ang Samahang Transport Operators ng Pilipinas na kinabibilangan ng city bus operators.

Ayon sa mga bus operator nagkusa na silang hilingin na ibaba ang pasahe bunsod ng patuloy na pagbaba ng prodyktong petrolyo.

Subalit bukod sa minimum fare ay nais din ng LTRFB na mabawasan ang pasahe pati ang per succeeding kilometer.

Mayroon namang isa pang petisyong dalawampisong bawas pasahe si Congressman Manuel Iway subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nadedesisyonan ng LTFRB.

(Macky Libradilla / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,