Pipe realignment ng Maynilad, natapos na

by Radyo La Verdad | August 13, 2015 (Thursday) | 1951

MAYNILAD
Hindi na matutuloy ang nakatakda sanang water interruption sa susunod na linggo sa mga lugar na sine-serbisyuhan ng Maynilad dahil halos patapos na ang isinasagawang pipeline re-alignment project sa Tondo Manila.

Sa update ng Maynilad kanina, hindi na mawawalan ng tubig sa mga lugar na apektado ng pipeline re-alignment sa darating na August 17 hanggang August 18.

Bukod pa rito, hindi na rin naantala ang suplay ng tubig sa Cavite City, Noveleta at Rosario Cavite.

Ngayong araw sana magsisimula ang water interruption sa mga nabanggit na bayan, ngunit dahil matatapos na ahead of schedule ang nasabing proyekto ay hindi na sila nawalan ng tubig.

Sa susunod na linggo pa sana matatapos ang pipeline re-alignment,pero dahil sa tuloy-tuloy na pagtatrabaho 24 oras ng mga tauhan ng Maynilad ay halos makukumpleto na ang kanilang proyekto. (Joan Nano/ UNTV News)

Tags: