Epektibo bukas October 20 ay papalitan na ang pinuno ng Philippine National Police Drug Enforcement Group o PDEG na si Police Chief Supt. Graciano Jaylo Mijares.
Sa inilabas na special order ng Directorate for Personnel and Records Management na pirmado ni PNP Chief Ronald dela Rosa, nakasaad dito na itatalaga si Mijares bilang bagong Regional Director ng Automous Region and Muslim Mindanao o ARMM.
Itatalaga naman bilang bagong pinuno ng PDEG si Police Chief Supt. Joseph Cagayan Adnol na dating PNP Regional Director ng Region 10.
Si Police Chief Supt. Reuben Theodore Sindac naman na papalitan ni Police Chief Supt. Mijares bilang Regional Director ng PNP ARMM ay itatalaga sa Office of the Chief PNP sa Camp Crame National Headquarters.
Sa ngayon, trabaho ng PDEG ay tumulong sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa pagsasagawa ng intelligence gathering para sa mga target na drug suspects at illegal drug activities matapos alisin na sa PNP ang pangunguna sa pagsasagawa ng anti-illegal drug operation.