Umabot na sa mahiigt labing anim na bilyong piso ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Ompong.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Manangement Council (NDRRMC), mahigit labing apat na bilyong piso ang pinsala sa agrikultura at mahigit dalawang bilyong piso naman sa imprastraktura.
Pinakamalaki ang naging pinsala sa Rehiyon 2 na umabot sa mahigit pitong bilyong piso, kasunod ang Cordillera Administrative Region at Region 1 na may tig tatlong bilyong pisong.
Samantala, batay sa pinakahuling tala ng National Operations Center ng Philippine National Police (PNP), umakyat na sa walumpu’t walo ang patay dahil sa bagyo at pinakamarami dito ay mula sa Cordillera Region.
Animnapu’t apat naman ang patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad.
Tags: Bagyong Ompong, NDRRMC, pinsala