Matapos humupa ang baha sa malaking bahagi ng lugar sa Occidental Mindoro dahil sa ilang araw na walang tigil na pag-ulan dulot ng nagdaang Bagyong Josie at habagat, nadadaanan na ang mga National Road via Abra de Ilog at Bulalacao patungo sa bayan ng Sablayan at San Jose.
Umabot sa hanggang bewang ang baha dito noong mga nakaraang araw.
Karamihan sa mga nagsilikas ay nagsiuwian na sa kanilang mga bahay.
Sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 32.5 milyon ang halaga ng mga nasirang pananim at labing isang milyong piso naman ang napinsala sa tulay at mga kalsada.
Tiniyak naman ng provincial government ang ayuda sa ating mga kababayan na naapektuhan ng labis na pagbaha.
Tags: Bagyong Josie, habagat, Occidental Mindoro