Pinsala sa imprastraktura at agrikultura sa Northern Samar, umabot na sa mahigit P2.3 Billion

by Radyo La Verdad | December 21, 2015 (Monday) | 4167

JENELYN_PINSALA
Tuloy-tuloy parin ang ginagawang assessment ng lokal na pamahalaan ng Northern Samar sa lawak ng pinsalang iniwan ni bagyong Nona sa kanilang lugar.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 2.3 billion pesos ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura sa lalawigan.

Mahigit sa 76-thousand ang naiulat na partially damage na bahay habang mahigit sa 38-thousand naman ang totally damage.

Habang mahigit animnaraang libong residente naman sa limang daan at animnaput siyam na barangay sa Northern Samar ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyo.

Samantala, umaapela naman ng tulong ang mga lokal na pamahalaan sa northern samar na madaliin ang response ng national government sa emergency shelter.

(Jenelyn Gaqui / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,

Replacement seed, inihanda ng DA para sa mga nasalanta ng baha sa Northern Samar

by Radyo La Verdad | December 6, 2023 (Wednesday) | 5079

METRO MANILA – Inihahanda na ngayon ng Department of Agriculutre (DA) Regional Office ang mga buto ng palay na magsisilbing pamalit sa mga nasirang pananim matapos masalanta ng matinding pagbaha ang Northern Samar.

Ayon kay DA Eastern Visayas Regional Executive Director Andrew Orais, nakikipag-ugnayan na ngayon sa Philippine Rice Research Institute ang kanilang opisina para sa karagdagang replacement stocks kung sakaling kulangin sa buto ang mga magsasakang mabibigyan nito.

Kasabay nito, nagsasagawa na rin aniya sila ng inventory kung iilan ang mga available seeds sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 2,000 na mga bag ng buto ng palay at 920 na mga bag ng nakarehistrong buto ng palay sa regional office pati na rin 437 na mga bag ng hybrid na buto ng palay, imbentaryo ng mga buto ng mais, mga buto ng iba’t ibang mga gulay, mga cuttings ng kamoteng kahoy, at native na mga manok.

Nitong nakaraang Linggo, aabot sa P104.96-M na ang halaga ng naitalang pinsala sa agrikultura kasunod ng malalaking pagbaha habang 4,571 na mga magsasaka at 2,751 ektaryang sakahan ang naapektuhan kasunod ng mga weather disturbances sa mga probinsya sa Samar.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)

Tags: ,

Pinsala ng bagyong Karding sa agrikultura, umabot na sa P141M

by Radyo La Verdad | September 27, 2022 (Tuesday) | 16093

METRO MANILA – Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA) nasa P141-M na ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Karding sa agrikultura sa bansa.

Nasa 740 na mga magsasaka ang naapektuhan at 16,299 ektarya ng agricultural areas.

Kasama sa mga nasira ng bagyo ang palay, mais at gulay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, at Calabarzon.

Sa Nueva Ecija dumapa ang mga palay na malapit na sanang anihin. Top producer ang Nueva Ecija pagdating sa produksyon ng palay sa bansa.

Ayon naman sa DA, may nakahanda naman silang binhi at iba pang ayuda para sa mga naapektuhan ng bagyo.

Tags: , ,

Mga hindi bakunado sa Northern Samar, bawal ng lumabas

by Radyo La Verdad | January 27, 2022 (Thursday) | 3028

Inaprubahan na ng Northern Samar Provincial Board nitong Lunes (January 24) ang ordinansang maglilimita sa paggalaw ng mga hindi pa bakunadong residente sa probinsya.

Ito’y kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at mabagal na pagsulong ng pagbabakuna sa probinsya.

Nakapaloob sa naturang ordinansa ang pagbabawal sa mga ito na pumasok sa mga restaurant, hotel, mall, sports and event venues, gym, at iba pang mga establisyimento gayun din ang paglabas sa kani-kanilang mga bahay maliban kung ang mga ito ay mamimili ng essential supplies o nangangailangan ng serbisyong medikal.

Samantala, nangangailangan namang magpakita ng negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test result kada 2 linggo ang mga empleyadong hindi pa bakunado bago payagang makapasok sa trabaho.

Sakop din ng ordinansa ang pagbabawal sa mga hindi pa bakundadong mamamayan ang paggamit ng pampublikong sakayan bukod sa di pagpasok sa mga pribado at publikong mga establisyimento.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mababa ang porsyento ng mga nagpapabakuna sa Nortern Samar kung saan 214,105 pa lamang ang fully-vaccinated o 45.3% ng total target population.

(Evangelyn Alvarez | La Verdad Correspondent)

Tags:

More News