Pinsala sa agrikultura sa Ilocos Sur, inaasahang aakyat pa ng higit sa 875 milyong piso

by Radyo La Verdad | September 18, 2018 (Tuesday) | 7667

Umabot na sa mahigit 875 milyong piso ang pinsala sa agrikultura sa Ilocos Sur at tinatayang nasa isang milyon naman sa infrastructure.

Bagaman ayon sa Ilocos Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at napaghandaan nila ang pagdating ng bagyo, masyado umanong malakas ang hanging dala ng Bagyong Ompong kung ihahambing sa Bagyong Lawin noong 2016.

Kaya naman inaasahan ng lokal na pamahalaan na aakyat pa ang halaga ng danyos sa agrikultura at imprastruktura sa lalawigan.

Biniberipika naman ng PDRRMO ang ulat na mayroong isang casualty na naitala ng PNP sa Sta. Lucia Ilocos Sur.

Isa si Manang Lisa sa mga nakaranas ng pananalanta ng bagyo. Tinatayang 20 libong piso sa kanilang pananim na palay at mga gulay nasira.

Ngunit wala umano silang magagawa kundi muling magtatanim upang makabawi at may maitinda muli sa palengke.

Maghihintay ang mag-asawang Pescador ng isa hanggang tatlong buwan upang makabawi muli at kumita.

Umaasa ang mga ito na gumanda ang panahon at maka-ani ng gulay at bigas.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,