Sa inisyal na ulat ng Department of Agriculture (DA), umabot sa mahigit one hundred twenty two million pesos ang halaga ng nasirang pananim sa Cordillera Administrative Region (CAR), Regions I at 3.
Mula ito sa halos walong libong ektarya ng lupang sakahan sa mga lalawigan.
Tinatayang mahigit sa pitong libong metriko tonelada ang nawalang produksyon ng palay at iba pang high value crops.
Sa Pangasinan pa lamang at La Union ay mahigit sa sampung milyong piso na ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyo.
Tags: Bagyong Rosita, DA, pinsala