Pinsala sa agrikultura ng Bagyong Henry at Inday, lumampas na sa kalahating bilyong piso

by Radyo La Verdad | July 23, 2018 (Monday) | 4338

Nagtamo ng matinding pinsala sa agrikultura ang naging epekto ng mga pag-ulan na dulot ng habagat na pinalakas ng mga Bagyong Henry at Inday.

Base sa datos ng Department of Agriculture (DA) kahapon ay umabot na sa P565.19m ang lugi at pinsala sa pangisdaan at agrikultura pangunahin na dito ang mga pananim na palay sa Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Batangas, Rizal, Laguna, Occidental Mindoro, Negros Occidental at Aklan.

Mahigit sa 26 na libong ektarya ang nasira na maaari sanang umani ng 314 metric tons.

Nasa 136 milyong piso naman ang nasira sa sektor ng pangisdaan kasama na ang mga fishing gamit pangisda sa CAR, Regions II, III at Calabarzon.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, bibigyan ng mga binhi ang mga naapektuhang magsasaka habang ang mga mangingisda naman ay bibigyan din ng ayuda.

 

 

Tags: , ,